Jerwin Ancajas 2
Jerwin Ancajas/ FB image

Inaayos na ni Top Rank promoter Bob Arum ang laban ng kaniyang alagang si Carlos Cuadres ng Mexico kay Filipino International Boxing Federation (IBF) super-flyweight Jerwin Ancajas.

Bagamat wala pang lugar kung saan ito gaganapin ay itinakda ito sa buwan ng Oktubre.

Interesado kasi Arum na iharap si Cuadras na dating World Boxing Council Champion kay Ancajas matapos na magwagi ang Pinoy boxer laban kay Ryuichi Funai ng Japan.

Sinabi naman ng trainer ni Ancajas na si Joven Jimenez na agad nilang paghahandaan ang nasabing laban kapag ito ay tuluyang naaayos.

May record naman ang 27-anyos na si Ancajas na 31 panalo, isang talo at dalawang draw na may 21 Knockouts habang ang 30-anyos na si Cuadras ay mayroong 38 panalo, tatlong talo, isang draw na mayroong 27 K.O.