-- Advertisements --
Itinakda sa susunod na taon ang arraignment ng kontraktor ni Sarah Discaya sa korte sa Cebu.
Ayon kay National Bureau of Investigation (NBI) spokesman Palmer Mallari na sa darating na Enero 13 ng alas-10 ng umaga isasagawa ang arraignment Regional Trial Court Branch 27 in Lapu-Lapu, Cebu sa mga kasong graft at malversation.
Nahaharap sa kaso si Discaya dahil sa kasong may kinalaman sa P96.5 milyon na “ghost” flood control projects sa Davao Occidental.
Una rito ay inaresto si Discaya nitong Disyembre 18 at inilipad ito sa Cebu pagkatapos ng isang araw.
Bukod kay Discaya ay kasama nito ang pamangkin na si Ma. Roma Rimando at walong iba pa na sangkot sa nasabing anomalya.
















