-- Advertisements --

Nakuha ng Argentina ang kampeonato ng FIFA World Cup 2022 sa Qatar matapos talunin ang France 4-2 sa penalty shootout sa laro na ginanap sa Lusail Stadium.

Sa unang half ng laro ay hawak ng Argentina ang kalamangan 2-0 sa pamamagitan ng kanilang star player na si Lionel Messi.

Pagpasok ng second half ng laro ay hindi bumitiw ang ranked number 4 na France at naipasok ni Kylan Mbappe ang magkasunod na goal sa 80 at 81 minuto para makuha ang 2-2 na tabla laban sa ranked number 3 na Argentina.

Naging mainit ang palitan depensa ng dalawang koponan hanggang nagtapos sa 2-2 ang unang 90 minuto.

Matapos naman ang extended na 30 minuto ay nagtapos sa 3-3 draw ang laro ay nagpasya ang referee na gawin ang penalty shootout.

Sa penalty shootout ay unang naipasok ni Mbappe ang penalty shootout at naitabla ni Messi ang penalty shootout sa 1-1.

Magkasunod naman na naharang ng goal keeper ng Argentina ang penalty shootout ng France hanggang makuha ng Argentina ang 4-2 at tuluyan na silang nagkampeon.

Ito na ang pangatlong kampeonato ng Argentina na ang una ay noong 1978 ng talunin ang Holland sa score na 3-1 at noong 1986 naman ay tinalo nila ang Germany 3-1.