-- Advertisements --

KALIBO, Aklan—Malugod na tinanggap ni dating Magdalo partylist representative Gary Alejano ang appointment ni dating Department of Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla bilang Ombudsman ng Republika ng Pilipinas matapos ang pagtapos ng termino ni Hon. Samuel R. Martires noong buwan ng Hulyo.

Sa exclusive interview ng Bombo Radyo, inaasahan na aniya nila na si Remulla ang itatalaga sa nasabing puwesto na may fixed term sa loob ng pitong taon.

Ayon pa kay Alejano, mahalaga na kaalyado ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang nakaupo bilang Ombudsman dahil sa maraming kaso ang dapat asikasuhin at tutukan pagdating sa public service.

Ngunit, marami aniya ang hindi natuwa sa appointment ni Boying lalo na mula sa kampo ng mga Duterte dahil sa maraming kaso ang nakabinbin sa Ombudsman na inaasahang mabubuksan sa pagkatalaga kay Remulla.

Naniniwala si Alejano na competent si Remulla sa pagiging Ombudsman at umaasa na gagawin nito ang kaniyang trabaho na may integridad at kredibilidad.