-- Advertisements --

Ibinasura ng korte sa Chicago ang apela ng singer na si R. Kelly na payagan na itong lumabas dahil sa pangambang dapuan ito ng coronavirus.

Ayon sa judge sa Chicago, na maraming maaaring gawing masama ang singer kapag ito ay lumabas.

Isa rito ay baka takutin ang mga tumayong witness laban sa kaniya.


Posible rin na maaaring kunin niya ang pagkakataon para tumakas.

Magugunitang inaresto ang 53-anyos na singer dahil sa pangmomolestiya ng mga babae.