-- Advertisements --
Lalo pang lumawak ang apektado ng low pressure area (LPA) na nasa silangang ng Luzon.
Ayon kay Pagasa forecaster Samuel Duran, huling namataan ang sentro ng LPA sa layong 115 km sa silangan ng Daet, Camarines Norte.
Dahil dito, umaabot na rin hanggang sa Central Luzon, Metro Manila at Southern Tagalog ang mga kaulapang dala ng namumuong sama ng panahon.
Habang ang Bicol region at ilang parte ng Visayas ay tuloy-tuloy pa rin ang kalat-kalat na pagbuhos ng ulan.
Sa Mindanao naman ay nakakaapekto ang intertropical convergence zone (ITCZ) na may mga dala ring pag-ulan na maaaring magdulot ng baha at pagguho ng lupa.