-- Advertisements --
Naisumite na ng Deputy Executive Secretary for Legal Affairs sa tanggapan ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang enrolled copy ng Anti-Terrorism Bill.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, nangangahulugan ito na mayroon nang memoradum na naglalaman ng course of action o rekomendasyon nang kahihinatnan ng panukala.
Ayon kay Sec. Roque, subject for final approval pa ito ni Sec. Medialdea bago tuluyang maipadala sa lamesa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukala.
Magugunitang Hunyo 9 nang ipadala ng Kongreso sa Malacañang ang enrolled copy ng panukala na layong paigtingin ang batas laban sa terorismo.
Mayroong hanggang Hulyo 9 si Pangulong Duterte para lagdaan o i-veto ang panukala o otomatiko itong magla-lapse into law.