Pinutol ni Angel Locsin ang mahabang showbiz hiatus upang magbigay komento at suporta sa kanyang stepson na si Joaquin Arce na nasa mundo na rin ng showbiz.
Ipinahayag ni Angel na proud siya kay Joaquin at lumaki umano itong matulungin, handang makinig, at marunong makisama.
Humingi naman ng paumanhin si Angel dahil hindi umano nakakarinig ang kanang tenga ni Joaquin na siyang dahilan bakit mataas ang boses nito minsan o kaya naman ay hindi sumsasagot pag kinakausap.
Si Joaquin Arce ay anak ng businessman at film producer at kanyang mister na si Neil Arce. Kilala ito sa kanyang charm at confidence.
Pumirma na si Joaquin ng isang exclusive contract sa isang talent agency noong July 25.
Sambit ng fans ni Angel, ay si Joaquin pala ang susi upang maging active muli si Angel sa online world. (Betha Servito)
















