-- Advertisements --
Binasag na ni Angel Locsin ang ilang taon niyang pananahimik sa social media para ipakita ang pagsuporta sa mga lumalaban sa korapsyon.
Sa kaniyang social media ay nagpost ito ng larawan na nakasuot ng kulay itim na damit.
Sinabi nito na nakikiisa siya sa mga mamamayan na tumindig at lumaban sa kurapsyon.
Emosyonal ito sa mga nakikita niyang mga lantaran na pangungurakot sa bansa.
Nanawagan ito na magsalita ang lahat laban sa kurapsyon sa bansa.