Nagpapakawala na ng tubig ang dalawang malalaking dam sa Central Luzon at Cagayan Valley bilang paghahanda sa inaasahang pagtama ng bagyong Uwan.
Unang nagbukas ng gate ang Magat Dam nitong Nov. 6 at sinundan ng Angat ngayong araw.
Batay sa November-7 report ng Hydro-Meteorological Division ng state weather bureau, nagpapakawala ang Magat ng kabuang 658.44 cms mula sa isang gate na may dalawang metrong opening.
Sa kasalukuyan ay nasa 187.64 ang meters ang lebel nito. Ito ay mahigit limang metro bago maabot ang normal high water level (NHWL) na 193 meters.
Nagpapakawala naman ang Angat Dam ng 58 cms mula sa isang gate na binuksan ng dam management.
Mas mataas ang kasalukuyan nitong water level na 211.14 meters kumpara sa NHWL na 210 meters.
Sa ngayon, tanging ang dalawang nabanggit na dam ang nagbukas ng flood gates bilang paghahanda sa paparating na bagyo.
















