Andre Igoudala
Igoudala/ FB post

Wala pa ring katiyakan kung makakapaglaro na sa Game 4 Western Conference finals ang forward ng Golden State Warriors na si Andre Iguodala.

Ito ay matapos na magtamo siya ng left calf injury sa West conference finals nila ng Portland Trailblazers.

Sinabi ni Warriors coach Steve Kerr, na hindi nila maaaring isugal ang kalagayan ni Iguodala kaya pagpapahingain muna nila ito.

Tanging ang go signal lamang mula sa doctor ang hinihintay nila para ito ay makapaglaro na.