Nagbanta ang anak ni Iranian military commander Qasem Soleimani na si Zeinab na gagantihan nila ang US matapos ang ginawang pagpatay sa ama nito.

Isinagawa nito ang pahayag sa naging funeral parade ng ama sa Tehran na dinaluhan ng ilang daang libong kababayan nito.

Marami sa mga dumalo ay bitbit ang larawan ng napaslang na heneral at sumisigaw ang mga ito ng paghihiganti.

Itinuturing ng Iran si Soleimani bilang ikalawang pinakamataas na tao sa bansa na sumusunod kay Iran Supreme Leader Ayatollah Khamenei.

Inilipat ang bangkay ng heneral sa Qom isa sa center ng Shia Islam bago ang sermonya ng burol nito sa bayan nito sa Kerman.

-- Advertisement --