-- Advertisements --

Sinampahan ng patong-patong na kaso ang anak na lalaki ni crown princess ng Norway.

Nahaharap sa kasong rape, domestic violence, assault si Marius Borg Hoiby ang anak ni Crown Princess Mette-Marit at stepson ni Crown Prince Haakon.

Inaasahan na didinggin ang kaso ng 28-anyos na si Hoiby sa susunod na taon.

Sakaling mahatulan ay makukulong ito ng hanggang 10 taon.

Una ng itinanggi ni Hoiby ang nasabing alegasyon base na rin sa abogado nito na si Ellen Holager Andenaes.

Si Hoiby ay walang royal titles at siya ay nasa labas ng line of royal succession.

Ipinapaubaya naman ng Palasyo sa korte ang desisyon sa kaso.

Magugunitang noong nakaraang taon ay ikinulong ng mga kapulisan si Hoiby ng isang linggo ukol sa nasabing reklamo.

Aabot sa 32 na kaso ang isinampa sa kaniya kabilang ang one count of rape with sexual intercours at three counts of rape without intercourse.

Noong Agosto ng nakaraang taon ay inireklamo ito ng pananakit ng kaniyang dating nakarelasyon.