-- Advertisements --

Nagsama ang United Kingdom at Norway para tugisin ang submarines ng Russia sa North Atlantic.

Ang kasunduan ay para maprotektahan ang undersea cables kung saan ayon kay British Prime Minister Keir Starmer ay malaki ang banta ang presensya ng Russia.

Mayroon kasing 30 porsyento ang itinaas na presensya ng submarines ng Russia sa karagatang sakop ng UK.

Nakasaad sa kasunduan na ang dalawang bansa ay mag-ooperate ng British-built Type-26 frigates.