-- Advertisements --

Muling sinampahan ng panibagong kaso ng rape a sexual assault ang actor at komedyanteng si Russel Brand.

Ayon sa Metopolitan Police na pinayagan ng Crown Prosecution Service (CPS) ang dagdag na kasong rape at sexual assault laban kay Brand.

Una ng naghain ng guilty plea ang broadcaster, comedian at actor sa limang kaso kabilang ang two counts of rape, two counts of sexual assault at one count of indecent assault na ang mga biktima ay apat na babae.

Nakatakdang dumalo ang 50-anyos sa Westminster Magistrates’ Court sa darating na Enero 20, 2026 para sa pagdinig ng dalawang bagong kaso.