-- Advertisements --
Inanunsiyo ng Venezuela na kanilang isasara ang embahada nila sa Oslo, Norway.
Isinagawa ang anunsiyo ilang araw matapos na tanghalin si Venezuelan opposition leader María Corina Machado bilang Nobel Peace Prize winner.
Paliwanag naman ng Venezuelan government na ang hakbang ay bahagi ng restructuring program ng kanilang mga foreign services.
Kinumpira na rin ng foreign ministry office ng Norway na sarado na ang embahada ng Venezuela sa Caracas subalit hindi na nagbigay pa ng ibang detalye.