-- Advertisements --

Nagtipon-tipon ang ilang libong katao sa Norway para magbigay pugay sa namayapang si King Harald.

Pumanaw ang hari ng Norway nitong Biyernes, Agosto 28 sa edad na 89.

Siya ang itinuturing na pinakamatandang monarch sa buong Europa at nanatili sa puwesto ng mahigit 30 taon.

Bago ilipat sa Royal ay napuno ang kalsada mula sa Oslo University Hospital kung saan ito nalagutan ng hininga.

Dahil dito ay papalit sa kaniyang puwesto ang nag-iisang anak niya na si Crown Prince Haakon.

Wala ng magiging coronation dahil ito ay binuwag na ng parliamento mula pa noong 1908.