-- Advertisements --

Napagtagumpayan ng Norway ang laban nito sa bigating team na Senegal sa nagpapatuloy na FIFA World Cup 2026.

Tinapos ng mga Norway ang laban sa score na 3-2, daan upang tuluyan itong umusad sa Round of 32, ang ikalawang yugto ng elimination sa World Cup.

Naitala ni Marcus Pedersen ang unang goal sa ika-43 minuto na sinundan ng dalawang makasaysayang goal ni Erling Haaland sa ika-48 at ika-58 minuto.

Bagaman bumawi si Ismaïla Sarr para sa Senegal sa ika-53, hindi na nakagawa ang koponan ng dagdag na goal at nasundan na lamang ito sa penalty time.

Sa ika-90+3 minuto, naipasok ng Senegal ang isa pang goal ngunit kinapos pa rin ang Lions of Teranga.

Sa nagpapatuloy na kampaniya ng Norway sa World Cup, hawak ni Haaland ang apat na goal, at isa siya sa mga pangunahing football players na nakikipag-agawan para maiuwi ang Golden Boot award.

Sa kabilang banda, ang Senegal, na natalo rin sa France, ay kailangang manalo laban sa Iraq upang manatiling may pag-asang makausad sa susunod na elimination.