DAVAO CITY – Hinatulan ng habambuhay na pagkakabilanggo ang isang 71-anyos na American national dahil sa kinakaharap nitong kasong human trafficking at child abuse.

Kinilala ang suspek na si George William Nolan na taga-Michigan.

Makalipas ang apat na taon, ibinaba ng Judge Lope Calio ng Regional Trial Court, Branch 33, Davao City kay Nolan matapos mapatunayang nagkasala sa pangmomolestiya sa isang menor de edad na lalaki.

Nasentensyahan si Nolan ng mula 12 hanggang 20 taong pagkakabilanggo para sa kasong child abuse at life imprisonment naman dahil sa kasong human trafficking.

Inutusan rin ng hukuman si Nolan na magbayad ng multa na P5-milyon, at kabuuang halaga na P375,000 na danyos.

Sa ngayon nasa kostudiyia ng Davao City Jail ang banyaga pero matapos ma-proseso umano ang conviction nito, siya ay ililipat sa Davao Penal Colony sa Panabo City, at sa oras