lunod3
-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Patay na nang matagpuan ang isang ama at dalawa nitong mga anak matapos malunod sa Simulao river sa Purok 6, Unggod ng Brgy. Tudela sa bayan ng Trento, Agusan del Sur.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, kinilala ni Trento Municipal Mayor William Calvez, ang amang si Macmac Borantes, 32-anyos.

Base umano sa salaysay ng kapitan ng Brgy. Tudela, pinayagan ng ama ang hiling ng dalawa nitong mga anak na maliligo sila sa ilog kung kaya’t kanya itong sinamahan sa pagligo.

Huli na nang mapansing nasa malalim na bahagi na silang ilog kung kaya’t nabitawan ni Borantes ang mga anak na nakakapit sa kanya at posible umanong nakaranas ng cramp sa kanyang paa si Borantes kung kaya’t kasama na itong inanod na di na na-alalayan pa ang mga anak .

Ilang oras pa ang lumipas sa isinagawang search and rescue operation bago natagpuan ang mga biktima napareho ng wala ng buhay.

-- Advertisement --