APO
APOHKAA

Nagbigay ng mga pagkain at cash donations ang Alpha Phi Omega-Hong Kong Alumni Association (APOHKAA) sa Our Lady of Lourdes Chapel, Purtiuncula Monastery of Blessed Sacrament, Lamma Island, Hongkong.

Pinangunahan ng grupo ni Rhoda Gallego at ilang miyembro ng APOHKAA na personal na ipinasakamay ang tulong sa mga madre na nagtatrabaho doon.

Isinagawa ang aktibidad nitong Mayo 1 at ito ay taunang isinasagawa bilang bahagi ng kanilang sinumpaang tungkulin.

Ipinapanatili ng mga miyembro ang adhikain ng kanilang grupo na ” Help even if we know they can’t help us back. God is watching us. May we always be APO for life regardless of professional standard and status in life.”.