-- Advertisements --

Sinampahan ng Department of Justice (DOJ ) ng 62 counts ng money laundering cases si dismissed Bamban,Tarlac Mayor Alice Guo.

Si Guo na kasalukuyang nasa kustodiya ng Pasig City Jail dahil sa kasong 26 counts ng paglabag sa Anti-Money Laundering Act (AMLA).

Nahaharap din siya ng five counts ng paglabag sa Section 4 (b) ng parehas na kaso dahil sa pag-convert, paglipat at pagbili o gamit ang instrumeto o ari-arian.

Kasama rin na nahaharap sa parehas na kaso ang magulang nito na sina Jian Zhong Go at Lin Wenyi ganun din ang mga kapatid nito na sina Shiela at Seimen at 26 na iba pa na sangkot sa operasyon nila ng Philippine Offshore Gaming Operators (Pogo).

Base sa 48 pahinang resolution na inilabas ng DOJ panel of prosecutors na ang mga kita mula sa POGO sa Baofu compound na pag-aari ng Guo ay inilipat sa ibang mga lehitimong negosyo ng pamilya.

Taong 2023 ng niraid ng mga otorida ang POGO sa Baofu compound kung saan nakaaresto sila ng 300 na dayuhan na kadalasan ay mga Chinese citizen.

Noong Marso 13, 2024 ay muling ni-raid ang nasabing lugar laban kay Zun Yuan dahil sa pagkakasangkot sa labor trafficking, cryptocurrency scams, love scams at investment fraud.

Kinumpirma ni Prosecutor General Richard Anthony Fadullon na naisampa na nila ang kaso sa korte sa Capas habang ang resolution ay inilabas noong Enero.