-- Advertisements --
Panalo ang Pinay tennis star na si Alex Eala sa Round of 32 ng women’s singles ng 2026 ASB Classic.
Sa laban ngayong hapon (Enero 6), naipanalo ni Eala ang deciding set (ikatlong set) sa iskor na 6-4.
Una munang nakuha ng kaniyang kalaban na si Donna Vekić ang unang set, 4-6, ngunit naitabla ito ni Eala sa ikalawang set, 6-4.
Pagpasok ng deciding set, agad na dinomina ng Pinay star ang laban at hindi na nakabangon si Vekić, na dating Paris Olympics silver medalist.
Susunod na makakaharap ni Eala ang Croatian tennis player na si Petra Marčinko sa Round of 16 ng naturang torneo.
















