-- Advertisements --
Mula sa alert level 4, ibinaba na ng PHIVOLCS (Philippine Institute of Volcanology and Seismology) sa alert level 3 status ang Taal Volcano, eksakto dalawang linggo mula nang ito ay pumutok nitong Enero 12.
Pero ayon kay PHIVOLCS Director Renato Solidum, kahit alert level 3 ay posible pa rin ang pagputok sa mga susunod na araw o linggo kung ang trend ng aktibidad ng bulkan ay “increasing unrest”.
Sakali namang “decreasing unrest” ang trend, maaring ibaba pa sa Level 2 ang status nito.
Samantala, ipinauubaya ni Solidum sa lokal na pamahalaan ang desisyon kung papahintulutan na makabalik ang mga residente sa kani-kanilang tahanan sa labas ng danger zone.