Personal na inalam ni PNP chief Gen. Oscar Albayalde ang latag ng seguridad ng PNP Masbate bilang paghahanda sa 2019 midterm elections.
Nabatid na ang Masbate ay isa sa mga lugar na “maiinit” sa panahon ng eleksyon.
Kasama ni Albayalde ang ilang matataas na opisyal ng PNP na bumisita sa area ng Region 5 o Bicol.
Simula noong nakaraang linggo, dinalaw ni Albayalde ang mga lugar na nasa red category critical areas.
Sa datos na inilabas ng PNP, nasa 701 ang bilang ng mga election “hot spots†na kanilang tututukan kaugnay para sa nalalapit na halalan.
Ayon kay Albayalde, ang bilang na ito ay halos kalahati o 42.9% ng 1,634 siyudad at munisipyo sa buong bansa.
Sa mga category red areas, 27 ang nasa ARMM; 19 sa Bicol Region; tigpito sa Calabarzon at Western Mindanao; tig-anim sa Mimaropa at Western Visayas; lima sa Northern Mindano; tig-apat sa Soccsksargen at Cordillera; tatlo sa Eastern Visayas; tigdalawa sa Central Luzon at Davao Region; at tig-isa sa Caraga at Cagayan Valley region.
Layon ng mga ginagawang pagbisita ni Albayalde ay para masiguro na plantsado na ang latag ng seguridad.