-- Advertisements --

Ikinasal na ang “Sex and The City” actress Kim Cattrall sa longtime partner nito na si Russel Thomas.

Sa social media account nito ay ibinahagi ang pag-iisang dibdib nila na ginanap sa Chelsea Old Town Hall sa London.

Limitado lamang sa 12 mga bisita ang inimbitahan para sa intimate wedding ceremony.

Suot ng 69-anyos na actress ang Dior Suit na gawa ni SATC costume designer Patricia Field.

Nakilala ng actress ang asawang isang British audio engineer noong 2016 sa isang British Radio.

Bumuhos naman ang pagbati mula sa mga kapwa artista at ilang mga kaibigan ng dalawa matapos mabalitaan ang pag-iisang dibdib nila.