-- Advertisements --

Naibenta sa halagang $204,648 o halos P12- M ang kakaibang oil painting ng Indian independence leader Mahatma Gandhi.

Ito ay gawa ng British artist Claire Leighton noong 1931.

Ginawa nito ang painting noong bumisita si Gandhi sa nasabing taon para sa second Round Table conference na tumatalakay sa pagreporma ng konstitusyon.

Ayon sa Bonhams auction house na hindi nila asahan na mabibili sa nasabing halaga ang painting.

Hanggang sa pumanaw na si Leighton noong 1989 sa US ay ipinasa na niya ito sa kaniyang pamilya.

Hindi na binanggit pa ng auction house kung sino ang nakabili ng nasabing painting.