-- Advertisements --

Naglabas ng bagong album ang Korean boy group na Stray Kids.

Ayon sa grupo na ang ikalawang album na “Karma” ay kanilang nailabas na.

Isinagawa ang paglabas ng nasabing album matapos ang tagumpay ng kanilang DominATE show kabilang ang dalawang gabing sold out show sa Tottenham Hotspur Stadium sa London.

Ang album ay mayroong 12 kanta mula sa walong miyembro na sina Bang Chan, Lee Know, Changbin, Hyunjin, HAN, Felix, Seungmin at I.N.

Nakapagtala ng record ang grupo matapos na makuha ang ikalimang may pinakamalaking naibentang show sa buong mundo kasunod nina Taylor Swift at Drake.