Naghahanap na ng options ang airline companies kung paano makakauwi sa Pilipinas ang kanilang mga pasahero, makaraang kanselahin sa Hong Kong ang mga outbound flights.

Kasunod ito ng lumalang sitwasyon sa paliparan ngayong araw, kung saan 5,000 raliyista ang sumugod sa airport, kaya naparalisa ang kanilang operasyon.

Ayon kay Charo Logarta, tagapagsalita ng CebuPac, apat na flights nila ang naapektuhan.

5J 114 (Manila-Hong Kong) ETD 6:05pm
5J 115 (Hong Kong-Manila) ETD 10:05pm
5J 120 (Clark-Hong Kong) ETD 7:20pm
5J 121 (Hong Kong-Clark) ETD 10:30pm

May natuloy namang flight ang PAL ayon sa kanilang tagapagsalita na si Cielo Villaluna, ngunit patuloy silang nagmo-monitor ng mga development upang huwag malagay sa alanganin ang kapakanan ng kanilang mga pasahero.