Tiniyak ni Philippine Army Commanding General Lt. Gen. Romeo Brawner, Jr., na kaniya pang palalakasin ang capabilities at isusulong ang karagdagang air assets ng Army’s Aviation “Hiraya” Regiment.
Ginawa ni Brawner ang pahayag sa kaniyang pagbisita sa Fort Magsaysay, Palayan City, Nueva Ecija.
Target ni Brawner na magkaroon ng close air support, casualty evacuation at re-supply assets ang kanilang air unit.
Aniya gagawin nito ang lahat para makabili ng mga nasabing air assets dahil malaking tulong ito sa kanilang operasyon.
“At the level of Headquarters Philippine Army (HPA), we will lobby for more air assets. We can do so much more. I am foreseeing that in the near-future, the Army Aviation Regiment will be able to soar higher,” pahayag ni Lt.Gen. Brawner.
Sa isinagwang command visit ng Army Commanding General, binigyang-diin nito sa “Hiraya” aviators ang kaniyang tatlong thrusts at dalawang task encapsulated sa command guidance “SERVE.”
Siniguro ni Brawner na kaniyang pakatutukan ang physical and mental health ng mga soldiers, palakasin ang kanilang skills and unit competencies at ibaba ang resources para ma-capacitate ang troops mission and accomplishment.
Giit ng Heneral na ang nasabing thrusts ay makakatulong sa Philippine Army na makamit ang tagumpay laban sa mga kalaban ng estado at matiyak ang peaceful and orderly national and local polls.
Ginawaran naman ng honorary Aviator’s Badge si Lt Gen. Brawner ni Aviation Regiment Commander Col. Andre Santos sa isinagawang pinning ceremony na siyang naging highlight sa pagbisita nito sa tahanan ng “Hiraya” aviators.