Nakaantabay at handang tumanggap ng mga pasyente ang 20 ospital ng Department of Health (DOH) at government-owned and controlled corporation (GOCC) sa Metro Manila.
Ito ay kasunod ng pansamantalang pagkapuno ng emergency room ng Philippine General Hospital (PGH).
Ayon kay Health Secretary Ted Herbosa, inaabisuhan ang lahat ng ospital, klinika, ambulansya, at mga doktor na huwag munang magdala ng bagong pasyente sa PGH.
Sa halip, dalhin muna ang mga ito sa mga nakatalagang DOH at GOCC hospital.
Kabilang sa mga DOH hospital na maaaring tumanggap ng pasyente sa iba’t ibang lungsod sa Metro Manila ay ang Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital and Sanitarium sa Caloocan, Las Pinas General Hospital and Satellite Trauma Center, San Lorenzo Ruiz General Hospital sa Malabon, National Center for Mental Health sa Mandaluyong.
Gayundin ang apat na ospital sa Maynila: ang Jose Fabella Memorial Hospital, Jose R. Reyes Memorial Medical Center, San Lazaro Hospital at Tondo Medical Center.
Ang Amang Rodriguez Memorial Medical Center sa Marikina, Research Institute for Tropical Medicine sa Muntinlupa, Rizal Medical Center sa Pasig. Ang apat na ospital sa QC na East Avenue Medical Center, National Children’s Hospital, Philippine Orthopedic Center at Quirino Memorial Medical Center at Valenzuela Medical Center.
Naka-standby rin ang apat na GOCC hospital sa Quezon City kabilang ang Lung Center of the Philippines, National Kidney and Transplant Institute, Philippine Heart Center at Philippine Children’s Medical Center.
Ayon naman kay Health Spokesperson ASec. Albert Domingo, maaaring tumawag muna sa DOH Metro Manila Center for Health Development bago dalhin ang mga pasyente.