Hindi nakalusot ang isang ahas na python na nakasilid sa isang bluetooth speaker na pabiyaheng Malaysia.

Sinabi ni Customs collector Carmelita Talusan, nanghinala sila sa isang bagay na nakalagay sa speaker ng idaan ito sa x-ray inspection sa airport warehouse sa Pasay City.

Laking gulat na lamang nila ng makita na isang 20 pulgadang ahas ang lumantad.

Agad nilang ipinasakamay ang ahas sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Inaalam na ng Bureau of Customs ang pagkakakilanlan sa mga may-ari ng nasabing kargamento.