-- Advertisements --

Matagumpay na nasamsam ng mga tauhan ng Bacolod City Maritime Police Station at Bureau of Customs ang bulto ng smuggled cigarettes sa Sitio Bagambang, Brgy Tiling, Cauayan, Negros Occidental.

Batay sa pagtataya ng mga otoridad, ang kahon-kahon na smuggled cigarettes ay mayroong street value na aabot sa mahigit P12.8 milyon .

Kasabay ng isinagawang operasyon ay naaresto ang ilang suspect na kinilala lamang sa alyas na Jun-Jun at alyas Mar.

Isinagawa ang operasyon matapos na makatanggap ng impormasyon ang Bacolod City Maritime Police Station hinggil sa umano’y smuggle na sigarilyo.

Maliban sa mga sigarilyo ay nakumpiska rin ng mga otoridad ang sasakyang ginamit sa pagkarga nito.

Mahaharap ang mga nahuling indibidwal sa kasong paglabag sa Republic Act 10863 o mas kilala bilang Customs Modernization and Tariff Act.