-- Advertisements --

Nasabat ng Department of Agriculture (DA) at Bureau of Customs (BOC) ang apat na container van ng smuggled na asukal mula Thailand at Vietnam na nagkakahalaga ng humigit kumulang na P9 million.

Ayon kay DA Secretary Francisco Laurel Tiu LKaurlel Jr., walang kaukulang permit mula sa Sugar Regulatory Administration (SRA) ang importer na Lapaz Multi-Purpose Cooperative mula Roxas City.

Samantala dalawa pang container na mula naman sa Vietnam ang idineklara bilang ”sweetener mix” ngunit lumabas sa pagsususri na refined sugar din ito na maaaring magpalugi sa gobyerno ng P1.8 million na buwis.

Dagdag pa rito, nasabat din ang smuggled na sigarilyo na nagkakahala ng P90 million mula sa China na maaari umanong makaapekto sa kabuhayan ng mga magsasakang nagtatanim ng tabako.

Sa tala ng DA, umabot sa P2.83 billion ang halaga ng mga nakumpiskang smuggled na farm goods noong nakaraang taon habang nasa P407.6 million naman ang nasabat mula Enero hanggang Mayo 19 ng taong ito.

Sa panayam kay SRA Administrator, Pablo Luis Azcona sinabi nito na maaaring ipamahagi ang mga nakumpiska nilang mga asukal tungo sa mga Kadiwa store na nakatalaga sa bansa.

‘Yung asukal po tinest na natin or yung white sweet powder na-test narin natin ‘yan and then yung asukal po na test narin awaiting result ‘yung pinaplano po yung pinaguusapan kanina is will find a way po na magagamit po ng mamayanang Pilipino,’ ani Azcona.