-- Advertisements --
Pumalo na sa 1,433 ang kabuuang bilang ng aftershocks, matapos ang 7.0 magnitude na lindol sa malaking bahagi ng Luzon.
Karamihan sa mga nakaranas ng pagyanig ay residente ng Abra at Ilocos provinces.
Ayon sa Phivolcs, 431 na ang plotted sa mga ito, habang 37 naman ang may kalakasan at naramdaman ng mga tao.
Ang mga nairehistrong aftershocks ay may lakas muna 1.4 hanggang 5.0 magnitude.
Sa pagtaya ng mga eksperto, maaari pang tumagal ang mahihinang lindol sa Abra hanggang sa susunod na buwan.