Ipinaabot ni Vice President Sara Duterte ang pasasalamat ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Pilipino sa Kuwait sa kanilang suporta at panalangin para sa kanya, sa gitna ng kanyang pagkakakulong sa The Hague.
‘Thank you for your support to his administration for six years and your prayers now, daily, every night, praying for his freedom. He wants you all to know that he knows you show him support in various ways,’ ani Duterte sa kanyang talumpati noong Agosto 15 sa Hakbang ng Maisug gathering sa Kuwait.
Maalalang si dating Pangulong Duterte ay nakadetine sa The Hague, Netherlands, matapos arestuhin noong Marso bunsod ng warrant of arrest ng International Criminal Court (ICC) dahil sa umano’y crimes against humanity.
Ayon sa kanyang opisina, ang pagbisita ng Bise Presidente ay layong pakinggan ang mga hinaing at pangangailangan ng mga OFW sa Kuwait.
Samantala, itinakda ng ICC ang confirmation of charges hearing laban sa dating pangulo sa darating na Setyembre 23, 2025.