-- Advertisements --

Ipinagmalaki ni US Secretary of Defense Pete Hegseth na tinatalo na nila ang Iran.

Sinabi nito na sa tulong ng Israel ay nakikitang humihina na ang ginagawang pag-atake ng Iran.

Sa mga susunod na araw ay tuluyan na nilang makokontrol ang airspace ng Iran.

Mula kasi ng atakihin nila ang Iran ay tinarget nila ang mga pagawaan ng missiles ng nasabing bansa.

Sa pinaghalong puwersa ng US at Israeli Defense Force ay mas magiging matindi ang lawak ng pinsala sa Iran.

Paparating na rin ang mga sundalo at laser guided precision gravity bombs para tuluyang mapahinto ang Iran sa pag-atake.

Sinubukan umano ng Iran na tamaan sila subalit nabigo ang mga ito.