-- Advertisements --

Nagtalaga na ang National Electrification Administration (NEA) ng isang task force upang tugunan ang malawakang nakawan ng kuryente at isulong ang reporma sa Zamboanga City Electric Cooperative, Inc. (ZAMCELCO), na matagal nang humaharap sa matinding pagkalugi at hindi epektibong operasyon.

Inanunsyo ito ni NEA Administrator Antonio Mariano Almeda noong Agosto 15 sa isang naganap na pagpu-pulong kasama ang mga lokal na opisyal, kabilang na si Mayor Khymer Adan Olaso.

Layunin ng Task Force ang pagsugpo sa electricity pilferage. Kung saan bata’y sa tala ng ZAMCELCO, mayroong 170,000 ang aktibong koneksyon ngunit 133,000 lamang dito ang nabibilhan ng kuryente —ibig sabihin, higit sa 20% ng konsumo ay hindi nababayaran.

Inatasan narin ni Almeda ang agarang paglalagay ng metro sa mga apektadong lugar at hinikayat ang mga barangay na makipagtulungan sa gobyerno.

Samantala may anim na buwan ang task force para ipatupad ang mga reporma, at tiniyak din ni Almeda ang kanyang tuloy-tuloy na pagmo-monitor.