-- Advertisements --

Matapos ang magnitude 7.4 na lindol, dalawang electric cooperative (EC) sa Davao Oriental at Northern Davao ang nakakaranas pa rin ng partial power interruption.

Ayon sa National Electrification Administration (NEA), isinasagawa pa rin ang restoration activities sa DORECO at NORDECO.

Layon nito na maibalik ang suplay ng kuryente sa 54,439 consumers.

Limang EC ang nawalan ng suplay ng kuryente dahil sa lindol, ngunit naibalik na sa normal na operasyon ang DASUREC (Davao Del Sur), SURSECO 1 at SURSECO 2 (Surigao Del Sur) maliban sa dalawang nabanggit.

Ganap na ring na-energize ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang lahat ng transmission line facilities nito na naapektuhan ng lindol.

Ayon sa NGCP, huling naayos ang Maco–Tagum 69kV Line at Maco–Banaybanay 69kV Line sa naturang rehiyon