-- Advertisements --

Agad nagsagawa ng inspection ang mga electric cooperative (EC) sa power facilities sa Mindanao, kasunod ng magnitude 7.4 na lindol na nangyari sa Davao Oriental.

Ito ay kasunod ng naging kautusan ng National Electrification Administration (NEA) matapos ang lindol.

Pinapatiyak ng NEA sa mga EC na activated ang mga Emergency Response Organization (ERO) para makapagsagawa ng akmang emergency response plan para sa mga komunidad na naapektuhan sa malakas na lindol.

Pinapabantayan din ng NEA ang epekto ng mga aftershock sa power facilities at linya ng kuryente na una nang sinira ng lindol, at posible pang magtutuloy-tuloy na maapektuhan dahil sa mga serye ng mahihinang pagyanig.

Kasabay nito ay pinapasiguro ng ahensiya ang sapat na material o buffer stock para magamit sa power restoration at pagsasaayos sa mga linya ng kuryenteng komokonekta sa mga konsyumer ngunit nasira dahil sa lakas ng lindol.

Pinapasumite ang bawat EC ng regular na power situation report kasunod ng isinasagawang assessment sa power facilities ng mga apektadong lugar.