Naitala ng Philippine National Police (PNP) ang zero crime incidents sa Davao Oriental matapos ang pagtama ng dalawang magkasunod na malalakas na lindol sa lalawigan.
Ayon kay PNP Community Affairs Division Chief PCol. Esmeraldo Osia Jr., walang naitalang kahit anumang krimen o maski looting sa lalawigan sa kabila man ng mga naitalang pagyanig.
Maliban dito, nagtalaga na rin ng higit sa 2,000 mga pulis sa Davao Oriental bilang bahagi pa rin ng pagpapatupad ng kaayusan at seguridad sa mga evacuation centers at sa kabuuan ng Davao.
Ito ay liban pa sa mga Reactionary Standby Support Force na siyang naka standby naman kung sakaling kailanganin pa ng augmentation sa mga ikinakasang operasyon sa lugar.
Samantala, nagpapatuloy naman sa pagkakasa ng kanilang monitoring ang PNP para sa mga panibagong updates at kasalukuyang sitwasyon ng mga residente sa naturang lalawigan.