-- Advertisements --

Tiniyak ng Department of Energy (DOE) kasama ang National Electrification Administration, National Power Corporation, mga electric cooperative, at oil industry partners ang mabilis na panunumbalik ng kuryente sa probinsya ng Masbate na lubhang sinalanta ng bagyong Opong.

Ayon sa DOE, nag deploy na sila ng 40 Task Force Kapatid teams mula sa iba’t ibang rehiyon, gamit ang tulong ng Philippine Navy at Philippine Ports Authority para sa mabilis na transportasyon sa mga apektadong lugar.

Kasama ang Office of Civil Defense Region V at mga electric cooperatives tinukoy ng ahensya ang pagbibigay ng mga generator sets para sa mga lugar na nawalan ng kuryente.

Naghahanda rin ang National Power Corporation ng mga generator para sa mga ospital upang masiguro ang tuloy-tuloy na operasyon ng mga ito.

Kasabay nito, tiniyak din ng DOE ang sapat na suplay ng langis para sa mga recovery teams at mga kritikal na pasilidad sa probinsya.