-- Advertisements --

Limang sasakyan, kabilang ang isang oil tank truck, ang nasangkot sa isang banggaan sa southbound lane ng Nagtahan Mabini Bridge nitong hapon ng Biyernes.

Batay sa mga larawan na ibinahagi ng Manila City Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO) Office kita ang pagkawasak ng truck at oil tank sa gilid ng tulay malapit sa Presidential Security Group (PSG) Compound, dahilan para maging sanhi ito ng matinding abala sa trapiko papuntang UN Avenue at Osmeña Highway.

Tatlong katao naman ang napaulat na nasugatan at kasalukuyang tinutulungan ng Manila City DRRMO. Gayundin ang MMDA na nasa lugar upang umalalay sa daloy ng trapiko.

Patuloy pa ang imbestigasyon upang matukoy ang sanhi ng insidente.

This is a developing story.