-- Advertisements --

Naghain ng one month leave simula ngayong araw, Setyembre 8, si MMDA General Manager Nicolas Torre III matapos i-revoke ng LTO ang lisensya ng kanyang driver.

Sinilbihan ng parusa ang naturang driver matapos itong mahuling ilegal na dumaan sa nakalaang EDSA Bus way.

Bukod sa pagdaan sa busway, natuklasan din ng Land Transportation Office (LTO) na gumamit ang sasakyan ng plakang nakatalaga sa ibang sasakyan.

Nagkabit din ang mga ito ng hindi awtorisadong MMDA markings at iba pang kagamitan sa sasakyan.

Ayon sa LTO, pribado ang opisyal na rehistro ng sasakyan at hindi talaga tugma sa record nito ang plakang nakakabit nang mahuli.