Nasa ilalim na ng heightened alert ang Northern Luzon Command (Nolcom) ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kasabay ng pagbabanta ng bagyong Uwan sa Hilagang Luzon.
Ayon sa naturang command, lahat ng Joint Task Forces (JTF) disaster response units nito ay nasa ilalim ng naturang alerto habang activated na rin ang lahat ng Emergency Monitoring and Action Center (EMAC) nito.
Target ng Nolcom ang maayos na koordinasyon sa lahat ng rescue team ng AFP na inaasahang idedeploy sa iba’t-ibang mga lugar sa Hilagang Luzon bago at pagkatapos ang pananalasa ng malakas na bagyo.
Hinimok din ng naturang command ang mga mamamayan na maagang lumikas at huwag nang hintayin pang maranasan ang unang bugso ng bagyo bago tumungo sa mga ligtas na lugar.
Bukas naman ang emergency hotline numbers ng Nolcom para sa mga nangangailangan ng assistance sa paglikas:
NOLCOM Operations Center (Tarlac): 09103852906
5th Infantry Division (Regions 1, 2, CAR): 09062252824; 09062252854
7th Infantry Division (Region 3: 09167230812
Tactical Operations Wing Northern Luzon: 09171428507
Northern Luzon Naval Command (Region 1, 2): 09175186587
















