-- Advertisements --

Nanindigan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na kahit kailanman ay hindi nawala ang kanilang presensiya sa West Philippine Sea at patuloy sa pagsasagawa ng pagpapatrolya kasama ang iba pang hanay.

Ayon kay Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea, palagi silang nasa WPS at hindi kailanman umalis sa naturang territorial waters.

Pagtitiyak pa ni Trinidad, palaging hanang magpaabot ng kanilang assistance ang kanilang hanay lalo na kung kailangan.

Kasunod nito tiniyak rin ng AFP na palaging sumusunod sa kanilang sinumpaang mandato ang kanilang mga tauhan na mapanatili ang kaligtasan sa WPS.

Ang trabaho aniya ng Philippine Cost Guard at ng mismong pamahalaan ng Pilipinas na matiyak na magiging ligtas ang pagpapatrolya at paglalayag sa naturang katubigan.

Dagdag pa ni Trinidad, ito ay taliwas sa mga ginagawa ng Chinese Coast Guard na siyang nagkakasa ng mga illegal at dangerous maneuvers na isang malaking banta sa kaligtasan sa WPS.

Dito pa lamang aniya ay maliwanag na nakikita ang posisyon ng Pilipinas na ang kanilang mga isinasagawang mga maritime exercises ay hindi para sa offensive purpose bagkus ay para protektahan ang mga teritoryong patuloy na kinakamkam ng China.

Samantala, tiniyak ng AFP na palaging nakahanda ang kanilang hanay sa mga posibleng paglala ng tensyon sa WPS at nanindigan na hindi ito magiging dahilan para umatras sa mga iligal na presensya ng chinese vessels sa katubigan ng Pilipinas.