-- Advertisements --

Nagbabala ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa publiko hinggil sa mga nagsilipanang pekeng social media accounts na gumagamit ng pangalan ni AFP Chief of Staff General Romeo S. Brawner Jr.

Ayon sa Sandatahang Lakas, ang mga social media ccounts na ito ay napagalamang gumagamit ng mga larawan at maski ranggo ng heneral ng walang pahintulot.

Matapos nito ay hinimok ng AFP ang publiko na maging maingat at iwasan ang pakikipagugnayan o makibahagi sa anumang mga content na magmumula sa mga hindi beripikadong mga social media accounts na ito.

Saantala, pinayuhan naman ang publiko na bisitahin at mag-follow sa mga beripikadong social media accounts ng Sandatahang Lakas at maging ng kanilang Public Affairs Office para sa mga tamang impormasyon na kanilang kakailanganin.