Nagpadala na ng dalawang batalyon ng mga sundalo ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Samar.

Ayon kay AFP Spokesperson BGen. Edgard Arevalo, ang deployment ng dalawang batalyon ay tugon sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ilalim ng Memorandum Order No. 32 na magdagdag ng puwersa para labanan ang lawless violence.

Sinabi ni Arevalo, inisyal pa lamang ang deployment ng dalawang batalyon dahil ongoing pa umano ang assessment sa iba pang lugar.

Pahayag ni Arevalo, may pangangailangan talaga na magdagdag ng puwersa lalo na sa mga lugar na tinukoy sa memorandum kung saan kabilang na dito ang Samar.