Ipinag-utos na ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagbuo ng general court martial na lilitis sa mga kaso ni Sen. Antonio Trillanes ngayong balik na ito sa pagiging active sa military service matapos bawiin ang amnesty.
Ayon kay AFP Spokesperson Col. Edgard Arevalo, naglabas na ng direktiba si acting AFP chief of staff Lt. Gen. Salvador Mison na siya ring Inspector General ng AFP para bumuo na ng general court martial na didinig sa kaso ni Lt. Trillanes.
Aniya, lahat ng mga opisyal na bumubuo nuon ng general court martial na lumilitis sa kaso ng senador ay mga retired na.
Binigyang-diin ni Arevalo na ang gagawin ng general court martial ay ipagpatuloy lamang nila ang kaso.
Aniya, natigil lamang ang pagdinig dahil sa pinagkalooban si Trillanes ng amnestiya.
Pero ngayon ni revoked na ang amnestiya tuloy ang pagdinig sa mga kaso nito.
“Depende kasi yan e, we cannot jump into conclusion yet as to what will be the ruling of the court martial kasi ipagpapatuloy pa yan e, so its premature for us to talk about what will be the outcome of the hearing,” pahayag ni Arevalo.