-- Advertisements --
Gapayafp

Mahigpit ang bilin ni AFP chief of Staff Gen. Gilbert Gapay sa mga tropa na dapat maayos at deliberate ang pagpapatupad ng kapapasa lamang na Anti-Terrorism Law sa lahat ng panahon.

Ayon kay Gapay, malaki ang maitutulong ng batas sa AFP dahil magkakaroon na ng kumpiyansa ang mga sundalo sa paglunsad ng operasyon.

Sa isinagawang talk to men ni Gapay ng bisitahin nito ang Central Command, binigyang-diin nito na ang bawat sundalo ay responsible, accountable, at objective enough sa pagpapatupad ng nasabing batas.

Ang pahayag ito ni Gapay matapos inilabas na ang binuong Implementing Rules and Regulations (IRR) na siyang magiging guide ng mga law enforcement agencies sa pagtugon sa problema sa terorismo.

Bukod sa kampanya ng militar para labanan ang terorismo, naniniwala ito na kailangan ng whole of nation approach para tugunan ang problema sa terrorism.

Binigyang-diin ni chief of staff sa mga sundalo na ang main priority bg AFP ay ang pagpulbos sa mga Local terrorist groups, Communist Terrorist Groups na nagti take advantage para ipursue ang kanilang mga propaganda laban sa pamahalaan.

Giit ni Gapay na hindi papatalo ang AFP sa mga propaganda ng mga teroristang grupo at hindi nila hahayaan na mamamayagpag ang mga ito.

Siniguro din ni Gapay na magpapatuloy ang tulong ng AFP sa paglaban sa Covid-19.


Pinuri nito ang mga tauhan ng Central Command lalo na pagtugon sa pandemya.